Piczo

Log in!
Stay Signed In
Do you want to access your site more quickly on this computer? Check this box, and your username and password will be remembered for two weeks. Click logout to turn this off.

Stay Safe
Do not check this box if you are using a public computer. You don't want anyone seeing your personal info or messing with your site.
Ok, I got it
--- This is the Official Website of Kalibre Kwatro-Uno --- Kalibre ka ba? ako KALIBRE!!! --- nod your head, Kalibre's coming!!! ---
[kuh-li-bre] (n.)
We are the best, in fact, we still are. We came from San Francisco High School (that school beside SM North). We rocked our four years in that ground where a lot of hideous teachers lie, where a bunch of war freaks hide...
BACKGROUND

          (Tagalugin ko na ha...)

          Nagsimula ang lahat ng June 2000. Nagkita-kita sa Molave Building (yung nasa pinakadulong room ng left wing) ang I-1, mga matatalinong estudyante mula sa iba't-ibang mababang paaralan. Sila ay pinamahalaan ni Gng. Siminig na wala ng ibang sinabi kundi..."hindi kayo naglilinis...mabuti pa ang I-6...".

          Sumailalim ang grupong ito sa matinding mga pagsubok: Kay Ma'am Llorando, kay Mrs. Kambing (patawad, nakalimutan ko ang pangalan niya...), kay Ma'am English (what's that smell?), at marami pang iba. Nag-walk out ang ilan sa kanila dahil sa kakulitan at kaingayan ng mga grupong ito. Paano ba naman, mag-away daw ba dahil sa takip ng ballpen? Mag-camping ba naman ng hindi nagpapaalam sa adviser? Mag-cutting daw ba tuwing Religion kay Sir Enciso at magsitulog sa mini library sa likod? Magpakasasa daw ba sa halo-halo sa small canteen na mura na, masarap pa (at pangunahing source ng hepa)? Sumakit ang ulo nilang lahat. Pero nanalo ang grupo, nakaalis sila sa first year.

          Tumuntong naman ang talampakang nakashoecover ng mga estudyanteng ito sa Dao building at doon nila hinarap ang mas malalaking pagsubok. Lumipat sila sa Polytechnic Building na nasa far away land at hinamon ang mga multo sa Cariño Building. Walang sawa silang sumali sa iba't-ibang klaseng jingle rap at walang sawa din silang nanalo. Walang sawa din nilang tinutulugan si Ma'am Sancho at walang sawa din silang pumpuslit papuntang canteen upang lasapin ang linamnam ng lugaw at halo-halo. Naging mas matapang ang mga batang ito dahil bukod sa pagtatawag ng mga espirito sa Cariño ay nakuha din nilang maglaro ng snake (ang ulo ng ahas ay nagbabalat sa pagitan ng number...) sa quadrangle habang sumusigaw ng "Gutom na kami! Gutom na kami!". Salamat sa adviser naming si Ma'am de Rosas na kapatid ata ni Kuya Cesar, dahil naging sobrang bait namin. Salamat din kay Mam Libunao (a.k.a. Mrs. Right) dahil walang sawa niya kaming pinagtanggol sa mga nang-aapi habang kinukwento niya ang lahat ng pabrikang malapit sa bahay nila.

          Sa taong ito nahati ang grupong II-1 sa mas maliliit pang grupo. Magkagayon man, nagkakaisa pa rin sila. Kahit pa nagkasuguran noong play sa English at nagkasagutan sa play na Florante at Laura, nagtulungan pa rin ang lahat ng makipag-dumbell war si Rodel kay Jan Michael Galang. Iba talaga ang tapang nila. To the highest eclavu level ito...

          Nang tumuntong sila ng 3rd year ay naging tampulan sila ng tsismis. Gusto ata ni Ma'am Pacho na maging teacher nila sa Pilipino...basta, magulo. Ang sigurado lang ay alam naming sikat kami!

          Si Granny Goose, este, si Penguin, o pwede na ring masabing isang teacher na kombinasyon ng dalawa ang naging adviser namin. Walang kasawa-sawa si Ma'am sa kaka-demerit sa amin. Tinuruan niya kaming maging madasalin, dahil kung hindi, wala na, kulang na lang maging negative 100 yung grade namin kaka-minus niya sa aming grade. Tinuruan niya rin kaming maging malinis at linisin ang Punong Balete dahil kung hindi, wala kaming grade. Bestfriend ni Granny Goose si Agir. Kay Agir niyo na lang ipakwento kung hindi niyo nabalitaan yon...

          Noong third year ay nabuo ang Tres-Uno, eto yung pangalan ng grupo o section namin na sumasali sa mga contest. Kalaunan, naging pangalan na rin ito ng buong section. Iniintriga din kami ng mga fourth year noon (sina Robert Chan-chan-chan-chan-chan, Regalia, at saka si Joseph (yung mayabang) na crush ni Sheena dati). Noong third year din namin nalasap ang mabalasik na si Ma'am Latorena, at ang laging late na si Ma'am Meneses. Pati ang barberong si Ma'am Sanga and her family of diseases. Ang dami nga naming naranasan nung third year...haaaayyyy....

          Ayan... fourth year na...

          Marami kaming naranasan nung fourth year, siyempre pa, hindi mawawala yung mga katarantaduhan namin. Ilang beses nga naming napaiyak ang butihin naming adviser na si Ma'am Dar Juan eh. Pero siyempre, natural lang naman kaming pasaway, pero hindi kami bad... andyan yung magcutting kami sa English (eh pano ba naman kasi si Ma'am Fajardo, aka Ma'am Aze, wala nang ibang tinuro kundi parallelism -- buong taon, yun lang natutunan namin sa kanya, kamot pa siya ng kamot ng ulo niya at ng buhok niyang mala-DAO MING ZU, tapos hindi pa siya nakauniform lagi) para mag volleyball. Andyan yung pumapasok na lang kami para mag-volleyball at magpraktis ng jingle rap. Andyan yung inaway namin ulit yung principal naming kulot na nakapayong na pula dahil gusto naming magkaroon ng e-yearbook. Andyan yung magkaroon ng gap between groups dahil sobra kaming mapagmahal sa mga bestfriends namin. Marami pa kaming kalokohan, hindi makakayanan ng page na to kung iisa-isahin..

          Merong mga highlights nung fourth year -- isa na dun yung paghahanda ng buong klase para sa debut ni Gege Mojica. Biruin mo, ang problema lang nung tao ay wala siyang cake, pero dahil astig talaga ang Kalibre, hinandugan namin siya ng isang kumpletong debut party... astig nga kasi kami.

          At siyempre pa, nilaos na naman namin yung ibang years at sections dahil hinakot na naman namin ang major awards sa jingle rap at iba pang contests.

          Isa rin sa mga di malilimutan, siyempre, yung recollection, baccalaureate (tama ba spelling?) mass, at yung graduation -- bumaha ng luha. Valedictorian namin si Waren. Nagfarewell party pa kami sa bahay ni Mam Dar Juan... tears ulit...

          Andami-dami naming pinagdaanan sa Kiko. At ngayong nanganganib nang mabura sa mapa ng Pilipinas ang astig naming alma matter, isa lang ang masasabi namin -- SIRAULO YUNG MGA GUARD SA SM NA HINDI KAMI PINAPAPASOK!!!! HINDI LAHAT NG TAGA_KIKO SHOPLIFTERS NOH!!! (may galit ito)...

          Malapit na nga talagang mabura sa mapa ang Kiko... tsktsk.. di bale, nakabuo naman tayo ng maraming magagandang ala-ala na tatatak sa kasaysayan at gugunitain ng bawat sulok ng malawak na lupain nito -- ang quadrangle ang saksi sa lahat ng saya, lungkot, kawingan at kalokohan natin..Gumawa tayo ng KASAYSAYAN mga Kalibre!!! Legend tayo. Astig tayo. Kalibre kasi...

------------------------------------------------------------------------

NOTE LANG PALA: SA MGA BUMIBISITA SA SITE NATO, KUNG MAY GUSTO KAYONG IDAGDAG NA PICTURES, BACKGROUND, AT KUNG ANIK-ANIK PA, JUST EMAIL IT TO:

  light_mistress777@yahoo.com
  haveme_14@yahoo.com
  wednesday701@yahoo.com

  SALAMAT!!!! Sign the guestbook!!
Any reunion suggestion?
Post it here.
or message me on
Friendster
or email me:
kalibre
[at]
yahoogroups
[dot]
com
1008 hits